Kasalukuyan ay wala na tayo sa ilalim ng Martial Law subalit hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga desaparecido. Sa dulang “Walang Maliw” ay ipinakita ang dulot sa pamilya ng pagkawala ng kanilang ka-anak dahil sa nagtatago ito sa pamahalaang tumutigis sa kanya o hindi kaya ay nahuli na siya nito. Nagbigay diin ito sa pagtanggap ng isang ina na maaaring hindi na niya makasama muli ang kanyang anak.
Limang taon nang nawawala si Leny at taon-taon ay inaalala ng kanyang ina ang kanyang kaarawan. Sa simpleng pagdiriwang ay dala ng ina ang pag-asa na magbabalik pa ang kanyang anak. Ang kanya namang asawa ay tinanggap na ang katotohanan na maaaring hindi na magbalik ang kanilang anak. Nais niya lang rin sanang matauhan ang kanyang asawa at tanggapin na rin ang katotohanan.
Sa kanilang pag-uusap ng asawa ay kanilang natanong sa kanilang mga sarili kung tama nga ba ang kanilang pagpapalaki sa kanilang mga anak lalo na kay Leny na siyang naging aktibista. Hindi tulad ng kanilang mga kapwa dating aktibista na mga kaibigan ay kanilang pinalaki ang kanilang mga anak na mulat sa mga katotohanang pangyayari sa bayan. Ang kanila namang mga kaibigan ay inilayo ang kanilang mga anak sa kanilang dating buhay bilang mga aktibista. Sa kasalukuyang nangyari kay Leny ay walang pinagsisihan ang mag-asawa sa kanilang pagpapalaki dito bagkus ay ipinagmamalaki nila ang kanilang anak.
Ipinahayag sa dula na ang pagkawala ng isang anak ay mas mahirap tanggapin ng isang ina kaysa sa isang ama. Nang mawala si Leny ay tumigil na ang kanyang ina sa pagtuturo at sa bahay na lamang nanatili. Madalas na siyang malungkutin at naghahanap siya ng mga dahilan kung bakit maaari pang bumalik ang kanilang anak. Bukod na lang sa pananatili sa bahay ay lumalabas siya upang sumali sa mga pagkikilos hinggil sa mga desaparecidos. Ang mga gawaing ito ay pinuna naman ng kanyang asawa. Pinakiusapan niya ito na bumalik sa pagtuturo upang kanyang maibahagi ang sakit na nararamdaman sa pagkawala ng anak at huwag lamang itong itago sa kanyang sarili. Sa pamamagitan nito ay kanya ring mapatutunayan na totoong mayroong mga desaparacidos sa ating demokratikong bansa. Naibabahagi man niya ang kanyang tinig at hinanakit sa mga pagkikilos ay mas mainam pa rin na gumamit naman ng ibang mga pamamaraan para sa mga ito.
Sa gabing iyon, nang makatulog na ang kanyang asawa ay biglang dumating ang kanyang anak. Ikinatuwa ng ina ang pagdating ng anak at kanya itong kinamusta. Nang tumunog na ang siren ng mga pulis ay naudlot ang pag-uusap ng mag-ina. Ayaw nang mawalay ng ina sa kanyang anak kung kaya’t kinailangan niyang pumili kung sasamang umalis sa anak o mananatili na lamang at muling mawawalay sa anak. Sa madaliang pag-iisip ay kanyang pinili manatili habang ang kanyang anak ay umalis na upang hindi mahuli ng mga pulis. Nang panahon na iyon ay nalaman na ng ina nasa puso lamang niya ang kanyang anak. Kanya nang natanggap ang katotohanan at nilayong sundin ang iba pang payo ng kanyang asawa.
Mahirap sa ina ang mawalay sa anak. Mahirap sa buong pamilya na ano man ang kanilang gawin ay hindi na nila matatagpuan ang kanilang ka-anak. Masaklap din na walang maitutulong ang gobyerno sa mga ka-anak ng mga desaparecido. Naipakita ito sa dula nang pumunta ang tatay ni Leny sa kanyang mga kaibigan sa gobyerno at kanilang lamang itinanggi ang pagkasangkot sa mga desaparecido. Dagdag pa riyan ay inalok na lamang nila ito ng mataas na posisiyon sa gobyerno upang tumahimik na sa pagkawala ng anak.
Habang nanonood ng dula ay tila nakibahagi rin ako sa kalungkutang dinarama ng ina dahil sa pagkawala ng anak. Ganito na rin marahil ang nararamdaman ng iba pang mga ina na bigalang nawalan ng anak dahil sa pagkakahuli ng militar. Kanila na lamang iniisip na nasa malapit lang ang kanilang mga anak. Kung hindi man sila magsasama muli ay hindi naman magmamaliw ang kanilang pagmamahal sa anak.
nigger
ReplyDeleteTrash
Deletesubscribe to Maverick DX_Prime
Deletemukha kang tae
Deletela salle was here
DeleteDing dong
ReplyDeleteTang ina mo ka
ReplyDeletenigga niga nigaa nigga
ReplyDelete