Thursday, December 9, 2010

kahabag-habag na bansa


may pera nga pang-giyera (na wala namang giyera. noy, san mo ba balak mang-giyera? sa Korea?) at pang pork barrel samantalang pampaaral eh wala…….

sa Japan wala naman silang armed forces kundi police lamang (peace-keeping force ata). samantalang tayo, imbes na peace-keeping ang asikasuhin ng mga pulis eh sila pa ang naghahanap ng gulo. nangongotong pa.
at noy, bakit hindi mo kaya tingnan ang basic at tertiary education bilang iisa? siguro gusto mo maging bansa tayo ng mga contractuals ano? aanhin mo pa nga ba naman ang mga nakapagtapos ng high school kung hindi nila kayang mag-kolehiyo?

kung si glorya ginawang Ingles ang medium of teaching para gumawa ng bansa ng mga call center agents, eh ikaw naman pala mga contractuals. at least nakatungtung ng kolehiyo ang mga call center agents.
hai. kahabag-habag na bansa.