Thursday, October 28, 2010

Happy times. Hard times

Minsan may mga araw na akala natin ay sobrang malas na ito. Pero kung magmumuni-muni tayo ng mabuti ay meron rin naman palang mga magagandang naganap sa mga bawat araw na ito. Pag-isipan ni'yo lang ng mabuti. Meron namang beinte-kuwatro oras sa isang araw. Siguro patay ka na kung sa beinte-kuwatro na oras na iyon ay wala nang magandang nangyari sa iyo. Ang magising sa bawat umaga ay siya marahil ang unang magandang bahagi ng ating bawat araw.

Para sa mga naniniwala sa Diyos, pinapadalhan niya tayo ng mga problema at paghihirap upang maging malakas tayo. Pinapadalhan niya rin tayo ng kasiyahan upang maging malakas tayo. Ang mga suliranin at ang mga kasiyahan ay parehong mga biyaya mula sa Diyos.

Learning

June 4, 2009   4:46 PM

Life is about learning and discovering new things... And it always feels  good to learn new stuff.
We may simply sit in class ang listen to the teacher.
We may learn how to operate a new gadget and explore its applications.
This time, i clicked on the keypad and my fingers discovered these: 0.o      o_+     ^_^    *_*    +_+     @_@   h_h   "_.     Ain't they cute?

So, what did you learn today?

Airplanes and wishes

When i was a kid, i always marvelled at those sparkling lights moving along the dark night sky and i did think they were shooting stars. Sayang. They weren't.

B.o.B - Airplanes (Feat. Hayley Williams of Paramore)

Future

The present was future of your past. O.o

Jason Derulo - What If (OFFICIAL)

Monday, October 25, 2010

Around the Panay Environment



Excitement filled me when I found out that our Environmental Science 10 class will be able to have an all-around Panay field trip. I have always been fond of road trips because of the different landscapes and the wind blowing upon my face as the vehicle goes on. Moreover, in this field trip we will stop by in selected sites so that we may be able to examine the surrounding environment.

The first stop we had gave a magnificent introduction for the whole trip. It was past five in the morning when we arrived at Tiolas, San Joaquin. Looking at the shores in front of us, it was still dark except for the yellow glow of the light coming from the boats of fishermen. The many fishermen show that the sea is an important source of livelihood for the people living in its shorelines. While waiting for dawn, we spent our time in happily taking pictures at the shore of Tiolas. When sunlight began to ascend, we saw clearly the rocky shore and the boundary that was set as a protected marine sanctuary. No one was allowed to fish within the boundary, may it be large-scale commercialized fishermen or simple small-scale ones. This is because it is where fishes and many other sea organisms reproduce and grow. Farther away from Tiolas was Lawigan, San Joaquin where we stopped by at another marine sanctuary. It has a rocky and sandy shoreline. Beside its rock formation that was rumored to be a ship, is a small grassy hill where we watched the sun slowly rising brightly. In the rocks, there were many corals, sea grasses and other plants. This means that the area is often covered by water.



On the way to Antique, we have mostly traveled near the shorelines. From the rocky shores of San Joaquin, we passed by the less rocky and more sandy shorelines of Antique. At Tibiao, Antique, we stopped by at the Tibiao Fish Spa where we enjoyed the tickle of the fishes while they cleaned the dirt from our feet. When we passed by Nabas, Aklan we saw the damage in the landscape caused by erosion. This means that the Coco-fiber Soil Erosion Control Project was not sustainable and effective.

From Nabas, Aklan we went to the Bugtong Bato Natural Mangrove Eco-park in Ibajay, Aklan. It was an estuarine area where the mangrove forest lushly thrives. While walking at the foot bridge, we saw a diverse mangrove ecosystem. It was there that I learned that there were various kinds of mangroves. There were 27 species of them in the eco-park and we were told that there was an existing 100-year old mangrove in the place. The species could be differentiated from each other through their leaves, roots, flowers and roots. Some of the species we saw were the Rhizophora mucronata or bakhaw babae, Sonneratia alba or pagatpat and Aegiceras corniculatum or saging-saging. I also learned that nipa is one of the mangrove species. In the eco-park, I noticed that most of the mangroves had very thick trunks. Every time we pass them by, our group would ask the tour guide if it was the 100 year old mangrove. The walk with the mangroves was fun and interesting. We saw some people getting mollusks in the eco-park as addition to their living. I realized that mangrove forests were as important as the other ecosystems such as coral reefs and rainforests. Aside from being homes to creatures such as mollusks, they also provide shore protection and some species are used traditionally as medicines.

After observing the natural mangrove eco-park in Bugtong Bato, we headed for the Jawili Falls in Tangalan. Most of our classmates took an enjoying bath in the pools of water of the falls. While they bathe happily, I watched the beautiful effect of the sunlight passing through the trees. At that time, I also noticed that the water had many green algae. Our next destination after the Jawili Falls was New Washington where we had spent the night in the Sampaguita Gardens.



Most of our time in the Sampaguita Gardens was spent in exploring the place, swimming, watching cable TV and taking pictures. After making the most out of the place, at noontime we left for the Bakhaw Eco-Park in New Buswang, Kalibo. It was a man-made managed mangrove ecosystem. The major species in the area was the Bakhaw Lalake and Bakhaw Babae. There were very many of them closely standing to each other, to the point that they have already become overcrowded. Because of this they have not grown as they should be based on their thin trunks. Since it was just man-made and also a managed ecosystem, it was not as diverse as the natural mangrove eco-park in Ibajay. At the very end of the eco-park was the open shore where one mangrove species was planted in straight lines.





The next destination we had was Sapian, Capiz where we observed the mangrove forests that were converted into fishponds. Capiz is known as the seafood capital of the Philippines because of the abundant catches in its estuaries. People’s need to earn more caused the conversion of many mangrove forests into fishponds. People thought that by doing so, they could produce more catch. This is true, yet fishponds cannot be sustained for a very long time. Therefore, they become less productive than natural ecosystems that are the original homes of the fishes. There was also a dried up fishpond in the area because of the El NiƱo. Near the fishponds, there was the quarrying of the soil for construction purposes which leads to soil erosion.

From Sapian, Capiz, we began to travel going to Passi City. It was where we passed by some houses that sold calcite of different sizes along the road for travelers to see. Although they looked pleasing to the eyes, people have risked theie life in quarrying them in order to earn money. Community-based quarrying became one of the sources of livelihood for the people in order to help sustain their needs.
They field trip may be tiring but in the end I enjoyed it a lot. We had gone to many places and had discovered a lot about the Panay environment. I realized that I had never known Panay and its environment this much before the trip. I learned to appreciate nature more and I had become more aware of the many environmental issues in our place. I became closer with my classmates and with the environment.

Sunday, October 24, 2010

"Walang Maliw"...dula ni Reuel Aguila

Kasalukuyan ay wala na tayo sa ilalim ng Martial Law subalit hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga desaparecido. Sa dulang “Walang Maliw” ay ipinakita ang dulot sa pamilya ng pagkawala ng kanilang ka-anak dahil sa nagtatago ito sa pamahalaang tumutigis sa kanya o hindi kaya ay nahuli na siya nito. Nagbigay diin ito sa pagtanggap ng isang ina na maaaring hindi na niya makasama muli ang kanyang anak.
            Limang taon nang nawawala si Leny at taon-taon ay inaalala ng kanyang ina ang kanyang kaarawan. Sa simpleng pagdiriwang ay dala ng ina ang pag-asa na magbabalik pa ang kanyang anak. Ang kanya namang asawa ay tinanggap na ang katotohanan na maaaring hindi na magbalik ang kanilang anak. Nais niya lang rin sanang matauhan ang kanyang asawa at tanggapin na rin ang katotohanan.
            Sa kanilang pag-uusap ng asawa ay kanilang natanong sa kanilang mga sarili kung tama nga ba ang kanilang pagpapalaki sa kanilang mga anak lalo na kay Leny na siyang naging aktibista. Hindi tulad ng kanilang mga kapwa dating aktibista na mga kaibigan ay kanilang pinalaki ang kanilang mga anak na mulat sa mga katotohanang pangyayari sa bayan. Ang kanila namang mga kaibigan ay inilayo ang kanilang mga anak sa kanilang dating buhay bilang mga aktibista. Sa kasalukuyang nangyari kay Leny ay walang pinagsisihan ang mag-asawa sa kanilang pagpapalaki dito bagkus ay ipinagmamalaki nila ang kanilang anak.
            Ipinahayag sa dula na ang pagkawala ng isang anak ay mas mahirap tanggapin ng isang ina kaysa sa isang ama. Nang mawala si Leny ay tumigil na ang kanyang ina sa pagtuturo at sa bahay na lamang nanatili. Madalas na siyang malungkutin at naghahanap siya ng mga dahilan kung bakit maaari pang bumalik ang kanilang anak. Bukod na lang sa pananatili sa bahay ay lumalabas siya upang sumali sa mga pagkikilos hinggil sa mga desaparecidos. Ang mga gawaing ito ay pinuna naman ng kanyang asawa. Pinakiusapan niya ito na bumalik sa pagtuturo upang kanyang maibahagi ang sakit na nararamdaman sa pagkawala ng anak at huwag lamang itong itago sa kanyang sarili. Sa pamamagitan nito ay kanya ring mapatutunayan na totoong mayroong mga desaparacidos sa ating demokratikong bansa. Naibabahagi man niya ang kanyang tinig at hinanakit sa mga pagkikilos ay mas mainam pa rin na gumamit naman ng ibang mga pamamaraan para sa mga ito.
            Sa gabing iyon, nang makatulog na ang kanyang asawa ay biglang dumating ang kanyang anak. Ikinatuwa ng ina ang pagdating ng anak at kanya itong kinamusta. Nang tumunog na ang siren ng mga pulis ay naudlot ang pag-uusap ng mag-ina. Ayaw nang mawalay ng ina sa kanyang anak kung kaya’t kinailangan niyang pumili kung sasamang umalis sa anak o mananatili na lamang at muling mawawalay sa anak. Sa madaliang pag-iisip ay kanyang pinili manatili habang ang kanyang anak ay umalis na upang hindi mahuli ng mga pulis. Nang panahon na iyon ay nalaman na ng ina nasa puso lamang niya ang kanyang anak. Kanya nang natanggap ang katotohanan at nilayong sundin ang iba pang payo ng kanyang asawa.
            Mahirap sa ina ang mawalay sa anak. Mahirap sa buong pamilya na ano man ang kanilang gawin ay hindi na nila matatagpuan ang kanilang ka-anak. Masaklap din na walang maitutulong ang gobyerno sa mga ka-anak ng mga desaparecido. Naipakita ito sa dula nang pumunta ang tatay ni Leny sa kanyang mga kaibigan sa gobyerno at kanilang lamang itinanggi ang pagkasangkot sa mga desaparecido. Dagdag pa riyan ay inalok na lamang nila ito ng mataas na posisiyon sa gobyerno upang tumahimik na sa pagkawala ng anak.
            Habang nanonood ng dula ay tila nakibahagi rin ako sa kalungkutang dinarama ng ina dahil sa pagkawala ng anak. Ganito na rin marahil ang nararamdaman ng iba pang mga ina na bigalang nawalan ng anak dahil sa pagkakahuli ng militar. Kanila na lamang iniisip na nasa malapit lang ang kanilang mga anak. Kung hindi man sila magsasama muli ay hindi naman magmamaliw ang kanilang pagmamahal sa anak.

Friday, October 22, 2010

Kuwento at Laban ng Ating mga Lola, Kuwento at Laban ng Bansa

Nasa elementarya pa lang ako nang una kong marinig at malaman ang tungkol sa mga comfort women. Nalaman ko ang kanilang kuwento sa pampaaralang komiks na binibigay sa aming mga mag-aaral. Doon ko unang nabasa ang mga salitang ‘comfort women’ subalit dahil bata pa ako ay hind ko pai masyadong naunawaan ang kanilang dinaanan. Nang tumuntong ako sa high school, hindi ko alam kung ano ang lecture namin noon pero ang naaalala ko ay ang kuwento ng guro namin tungkol sa kanyang ina. Ang sabi niya sa amin, kapag mayroong pumunta na mga sundalong Hapon sa kanilang lugar ay tinatago ng mga magulang ang kanilang mga dalagang anak. Ang kanya namang ina ay nilalagyan ng kulay dugo na pinta sa kanyang bestida upang magmukhang mayroong siyang regla. Ganito raw ang palageng ginagawa sa kanyang ina upang hindi siya makuha ng mga Hapon.

            Maituturing na ilan sa mga masusuwerte ang ina ng aking guro dahil sa hindi siya napagsamantalahan ng mga Hapon. Ganoon pa man, naroon naman ang kuwento ng marami pang mga babae na hindi nakawala sa paningin ng mga Hapon. Nakakalungkot na tila marami sa mga kuwentong ito ay hindi pa natin naririnig o hindi kaya’y atin nang nalimutan. Isa sa mga kuwentong nabigyan ako ng karangalan na marinig ay yaong kay Lola Tensya. Napasakamay siya ng mga Hapon sa loob ng tatlong buwan. Nakakatakot na sa akin ang isipin na tatlong buwang ginahasa ang isang babaeng labing-apat na taon pa lamang noon. Ang kuwento ni Lola Tensya ang talagang nagmulat sa akin damdamin sa mga sinapit ng mga comfort women noon panahon na sakop tayo ng Hapon. Balot man ng kalungkutan ay napansin kong nanaig parin ang pag-asa at ang pagkakaroon ni Lola Tensya ng lakas upang ipaglaban ang katarungang kanyang hiningi sa pamahalaan ng Hapon.

            Magpasahanggang ngayon ay hindi parin tapos ang pakikipagsapalaran ng iba nating mga lola na naging biktima ng karahasan ng mga Hapon. Aking tinitingala ang taglay na lakas ng mga lola ng Lila Pilipina. Kahit matanda na sila ay kaya pa nilang tumungo sa iba’t ibang bansa upang ipaglaban ang hinihinging katarungan. Ang nakakalungkot lamang bukod sa hindi pa sila nabibigyan ng tamang kaukulan ng pamahalaang Hapon ay tila hindi rin sila nabibigyan ng tamang pansin ng ating pamahalaan. Dahil sa bahagi rin ng ating kasaysayan ang kasaysayan ng ating mga Lola, ang kanilang laban ay atin na ring laban. Sana lamang sa kasalukuyan ay makamit na nila ang kanilang katarungan.  At kung hindi naman ngayon ay naroon parin ang bukas upang kanila at ating maipagpatuloy ang kanilang laban para sa katarungan.